Binulabog ng malawakang pag-atake mula sa mga armadong suspek ang Bamako sa Mali.

Nilusob ng mga armadong grupo ang pangunahing military base sa labas ng capital.

Ipinakalat ng mga otoridad ang mga sundalo sa kalsada para harangin ang mga armadong grupo.

--Ads--

Ilang lugar din sa Mali gaya sa Gao, Kidal at Sevare ang nakaranas ng pag-atake ng mga armadong suspek.

Ito na aniya ang pinakamalaking pag-atake ng mga Jihadist group ang naitala sa Mali.

Sinasabing nasa likod ng pag-atake ay ang Azawad Liberation Front (FLA) at Jama’at Nusrat al-Islam wal-Muslimin (JNIM).

Patuloy ang ginagawang paglaban ng mga sundalo mula sa Mali laban sa mga armadong grupo.