Naglabas ng advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Miyerkules, Abril 22, 2026, patungkol sa tumaas na seismic activity sa Bulkang Bulusan.

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala sila ng 101 volcano-tectonic (VT) earthquakes mula alas-4:50 ng umaga ng araw na iyon, na dulot ng pagputok ng mga bato sa ilalim ng bulkan sa 2.5 kilometro mula sa hilagang bahagi ng Bulusan.

Bagamat ang degassing activity mula sa summit crater at mga aktibong vent ng bulkan ay nananatiling mahina hanggang katamtaman, at ang sulfur dioxide emissions ay nasa 75 tons kada araw (batay sa datos noong Abril 9), ang pagtaas ng earthquake activity ay maaaring magpahiwatig naman daw ng mga shallow hydrothermal processes na maaaring magdulot ng steam-driven o phreatic eruptions sa bunganga ng bulkan.

--Ads--

Dahil dito, itinaas ng Phivolcs ang Alert Level 1 o low-level unrest sa Bulusan, na nangangahulugang may posibilidad ng phreatic eruptions.

Pinayuhan ang publiko na mag-ingat at maghanda laban sa mga posibleng panganib tulad ng pyroclastic density currents (PDCs), ballistic projectiles, rockfall, avalanches, at ashfall na maaaring maranasan sa mga apektadong lugar.