BOMBO DAGUPAN – Tinuldukan na ni Kyline Alcantara ang usapin sa “hiwalayan” nila ni Mavy Legaspi, at sinabing dapat nang mag-move on ang lahat tungkol dito.

Aniya na panahon na daw para magmove on ang lahat ukol dito, at ang kanilang mga pinagdaanang dalawa ni Mavy ay parte kung sino at ano man siya sa ngayon.

Inilahad din ng actress ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng pinagsamahan nila ni Mavy.

--Ads--

Matatandaang naging magka-loveteam sina Kyline at Mavy, at nagkasama sa mga pamamasyal. Gayunman, wala opisyal na pahayag ang dalawa sa kung ano ang tunay na relasyon nila.

Naging usap-usapan na hiwalay ang dalawa nang mapansin ng netizens na hindi sila nagpo-post ng mga larawan na magkasama sila.

Nauugnay ngayon si Kyline kay Kobe Paras, pero wala rin siyang opisyal na pahayag tungkol sa kanilang relasyon.