Walang pa umanong kumpirmasyon ang impormasyong kumakalat na tinanggal na bilang miyembro ng Commission on Appointments (CA) si AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones matapos itong mag-viral na nanonood ng sabong sa cellphone habang nasa session ng Kamara.
Ito ang kinumpirma ni House Senior Deputy Minority Leader Caloocan City Rep. Edgar Erice, matapos ihayag na wala pang naitatalagang miyembro ng minorya para sa Komisyon.
Binigyang diin naman ni House Deputy Minority Leader at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, walang inalis o aalisin na miyembro ng CA dahil hindi pa dito kabilang si Briones.
Matatandaan na iginiit ni Briones na sparring video lamang umano ng mga tandang at hindi sabong ang pinanood niya habang may sesyon ang Kamara.
At nangako pa itong haharap umano sakaling imbestigahan ng House Ethics Committee bunsod ng isyu.