Nagpahayag ng pagtuligsa ang Bantay Bigas hinggil sa panawagan ng pamahalaan sa publiko na mag-half rice bilang hakbang umano sa pagtitipid sa gitna ng mataas na presyo ng bigas at lumalawak pang krisis sa pagkain sa bansa.

Ayon kay Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas, hindi mga ordinaryong Pilipino ang dapat maging responsable sa usapin ng pag-aaksaya ng bigas dahil nmatagal na umanong nagtitipid ang mga ito at hindi na sapat ang kanilang naiimbak na pagkain bunsod ng mataas na presyo.

Kaugnay nito, dapat umanong pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pag-aaksaya ng mga malalaking establisyimento sa suplay ng bigas at ang malaking kakulangan ng post-harvest at milling facilities na lalo pang dumadagdag sa pagkaluigi sa sektor ng agrikultura.

--Ads--

Bukod dito, nanawagan din si Estavillo sa pamahalaan na sa halip hikayatin ang publiko na bawasan ang konsumo ng bigas, ang dapat mas palakasin na lamang ang lokal na produksyon. kontrolin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at magbigay ng sapat at pangmatagalang suporta sa mga magsasakang apektado ng El Niño.