Dagupan City – Generally peaceful ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan, sa kabila ng ilang insidenteng naitatala sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay PLtCol. Michael S. Datuin, Chief of Police ng Santa Barbara Police Station, kabilang sa mga karaniwang naiuulat na insidente ang mga vehicular traffic incident, lalo na sa kahabaan ng national highway na dumaraan sa bayan.
Muling pinaalalahanan ng hepe ang mga motorista na tiyaking nasa maayos na kondisyon bago bumiyahe at gumamit ng mga kinakailangang protective gear, partikular ang helmet, upang mabawasan ang panganib ng matinding pinsala sakaling masangkot sa aksidente.
Patuloy namang hinihikayat ng pulisya ang publiko na maging responsable at maingat sa pagmamaneho upang mapanatili ang kaligtasan sa mga kalsada ng Sta. Barbara.










