Pumalo na sa P10 Bilyon ang tinatayang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura at inaasahan pang magpapatuloy hanggang sa susunod na taon, ayon yan sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa pinakahuling datos ng mga regional office ng DA, umabot na sa P9.99 bilyon ang agricultural damage at losses sa gitna ng matagal na tagtuyot kung saan ang produksyon ng mais ang may pinakamalaking bahagi ng pinsalang pumalo sa P5.63 billion kung saan sinundan ito ng halagan P3.65 billion na pagkalugi sa produksyon naman ng bigas.

Samantala, ang mga nasabing pinsala ay naitala sa mga probinsya ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

--Ads--

Gayunman, binigyang diin naman ng DA na sasailalim pa ang mga numero sa validation habang patuloy ang pagbibigay ng mga interbensyon ng ahensya para sa mga apektadong magsasaka.