Nanawagan si Pope Leo XIV sa Simbahang Katolika na patuloy na palakasin ang mga programa para sa pagtanggap, pagprotekta, at pagtulong sa mga migrante, refugee, at mga nagbabalik sa kanilang sariling bansa.

Sa kanyang mensahe para sa Plenary Meeting ng International Catholic Commission for Migration, hinikayat ng Santo Papa ang mga kalahok na ipaglaban ang pagkilala at paggalang sa likas na dignidad ng bawat tao, sa pakikipagtulungan sa mga organisasyong panrelihiyon at civil society groups.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang humanap ng mga bagong paraan upang mapangalagaan ang mga batang napilitang lumikas dahil sa mga digmaan at kalamidad.

--Ads--