Dagupan City – Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara ng Christmas Lighting Ceremony sa MDRRMO Building at Sta. Barbara Public Plaza nitong Biyernes, Nobyembre 6, bandang alas-sais ng gabi.

Pinangunahan ang aktibidad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Sta. Barbara sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Carlito S. Zaplan, na siya ring chairman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, namahagi rin ng libreng tsokolate sa mga bata upang magbigay ng dagdag na kasiyahan sa naturang okasyon.

--Ads--

Naging bahagi ang aktibidad ng pagsalubong ng komunidad sa Kapaskuhan, na nagbibigay-diin sa diwa ng pag-asa, kabutihan, pagbibigayan at pagkakaisa.