Mahigpit na babantayan ang 60 years na Dumpsita sa lungsod ng Dagupan, para matiyak ang progreso ng rehabilitasyon nito at maplano ang posibleng paggamit sa lugar.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng nonstop monitoring na matutukan ang bawat yugto ng pagsasaayos ng pasilidad hanggang sa tuluyang ma-rehabilitate.
Sa ikalawang bahagi ng paghahanda, katuwang sa proyekto ang City Engineering Office sa pangunguna ni City Engineer Josephine Corpuz, katuwang si Tirso Capito at ang Waste Management Division.
Saklaw ng kanilang pagtutulungan ang regular na inspeksyon, pagtatasa sa kondisyon ng lupa at pagtiyak na nasusunod ang mga itinakdang panuntunan para sa rehabilitasyon.
Tiniyak ng pamahalaang lokal na magpapatuloy ang koordinasyon sa pagitan ng mga tanggapan upang mapabilis ang proseso at matiyak na magiging ligtas at kapaki-pakinabang ang dating dumpsite para sa komunidad.










