Nagluluksa ang football community sa Spain matapos pumanaw ang CD Tenerife striker na si Jesus de Miguel, 30, kasunod ng cardiac arrest na kanyang tinamo matapos ang banggaan sa isang laban kontra FC Andorra.
Naganap ang insidente nang makabanggaan ni De Miguel ang goalkeeper na si Jesus Owono, na lumabas sa kanyang penalty area upang salubungin ang bola. Tumama ang tuhod ng goalkeeper sa dibdib ng striker na agad na bumagsak at nawalan ng malay sa gitna ng laro.
Agad siyang nilapatan ng medical team sa loob ng pitch bago isinugod sa ospital. Gayunman, hindi na siya nakaligtas at kinumpirma ng kanyang kupunan na Tenerife ang kanyang pagpanaw nitong Martes.
Dahil sa trahedya, ipinagpaliban ng Spanish Football Federation ang lahat ng nakatakdang laban nitong Martes.
Sumali si De Miguel sa Tenerife bago ang 2025-2026 season at nagtala ng 11 goal noong nakaraang season.










