Pasok na sa second round ng 2026 Hong Kong Open si Filipina tennis star Alex Eala matapos talunin ang Australian player na si Emerson Jones sa kanilang Round of 32 match.
Naitala ni Eala ang straight-set victory kontra Jones sa iskor na 6-4, 6-3 upang makausad sa susunod na yugto ng torneo.
Si Jones ang nakaharap ni Eala sa opening round matapos mag-withdraw sa kompetisyon ang una nitong nakatakdang makalaban na si Alycia Parks ng United States dahil sa shoulder injury.
Sa susunod na round, haharapin naman ng 20-anyos na Pinay tennis star ang Czech Republic’s Tereza Valentová sa pagpapatuloy ng kaniyang kampanya sa nasabing torneo.










