Patay ang limang miyembro ng umano’y “Gapos” gang matapos na makipagbarilan sa mga kapulisan sa Bacoor, Cavite.

Nakipaghabulan ang mga suspek gamit ang isang sasakyan kung saan tumaob ang sinakyan ng mga suspek sa Molino flyover.

Nasawi ang dalawang suspek matapos na makipagbarilan habang ang dalawang suspek naman ay nagtangka pang nang-agaw ng motorsiklo subalit naharang sila ng mga kapulisan at nakipagbarilan.

--Ads--

Habang ang isa ay tumalon pa mula sa kotse at nakipagbarilan.

Kinumpirma ng mga kapulisan na ang isang suspek ay isang AWOL na pulis.

Base sa imbesitgasyon ng kapulisan na mayroon ng tinatarget ang mga suspek sa isang subdibisyon kaya agad nilang ikinasa ang operasyon subalit nakipaghabulan pa at nakipagbarilan ang mga ito.

Nakilala ang dalawang suspek na sila ang nasa likod ng panloloob sa jewelry shop sa Cavite kung saan iginagapos nila ang mga biktima at ninanakawan.

Patuloy na inaalam ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng mga nasawing suspek.