Pansamantalang isasara sa lahat ng uri ng sasakyan ang Barangay Maasin Provincial Road, partikular sa Zone 3, Barangay Maasin, Mangaldan, Pangasinan.

Magsisimula ang pansamantalang pagsasara ngayong araw, Nobyembre 2, 2026 at magtatagal hanggang Disyembre 15, 2026.

Ito ay bunsod ng kasalukuyang isinasagawang road concreting works sa naturang bahagi ng kalsada bilang bahagi ng pagpapabuti ng imprastraktura sa barangay.

--Ads--

Dahil dito, pinapayuhan ng pamunuan ng Barangay Maasin ang lahat ng motorista, residente at pangkalahatang publiko na gumamit muna ng mga alternatibong ruta at magdoble-ingat sa pagbiyahe sa apektadong lugar upang maiwasan ang abala.

Humingi naman ng paumanhin ang barangay sa pansamantalang abalang dulot ng road closure at humihiling ng malawak na pang-unawa, pasensya at kooperasyon mula sa publiko habang isinasaayos ang kalsada para sa mas ligtas at maayos na daan.