Humina sa kategoryang Severe Tropical Storm ang bagyong na may international name na IN-FA, batay sa 8:00 PM weather bulletin update ng state weather bureau ngayong Nobyembre 2, 2026.
Namataan ang bagyo sa layong 1,930 km silangan ng Extreme Northern Luzon at nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 110 km/h at pagbugsong aabot sa 135 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
--Ads--
Patuloy namang minomonitor ng state weather bureau ang galaw at kondisyon ng bagyo.










