
Pinaghahanda ni North Korean leader Kim Jong Un ang militar ng naturang bansa para sa giyera.
Inatasan ni Kim ang mga commander ng Korean People’s Army na tiyaking handa ang bawat unit na lumaban sa isang giyera.
Inilabas ng state-run media na Korean Central News Agency (KCNA) ang naturang pahayag kasunod ng pagdalo ni Kim sa isang event kasama ang mga military official ng NoKor.
Batay sa lumabas na pahayag, inatasan umano ng North Korean president ang bawat company leader na maghanda para sa isang giyera at ang isa sa mga pangunahing daan para rito ay ang mahirap at extensive na training sa lahat ng mga sundalo.
Bago nito ay nagkaroon pa ng ‘Third Meeting of Company Leaders’ sa pagitan ni Pres. Kim at ng mga military leader ng naturang bansa. Naganap ito sa Pyongyang noong October 22 at October 23, 2026.
Dito ay sinabihan din niya ang mga commander na itatag ang pinakamalakas na army at madaliin ang Korean-style military revolution sa pamamagitan ng pagsasanay sa pinakamalalakas na military units o military companies.
Ayon sa state-run media ng NoKor, ito ang unang pagtutupon ng buong army ng naturang bansa mula noong 9th Congress ng Workers’ Party’s nong Pebrero.








