Opisyal nang binuksan noong Oktubre 29, 2026 ang pinakabagong sangay ng Yummy Tokyo sa University of Pangasinan (UUpang) sa Dagupan City, upang maghatid ng abot-kayang pagkaing Hapon sa mga estudyante at sa buong komunidad. Ang pagbubukas na ito ay kasunod lamang ng ginanap na inauguration sa Marcos, Ilocos Norte noong Oktubre 28.

Ayon kay Joan A. Angeles, franchisee ng UPang Ramen Food House, ang pagbubukas ng sangay na ito ay naglalayong magbigay ng mas madaling access sa mga signature Japanese ramen at comfort food para sa mga mag-aaral, guro, at kawani ng pamantasan. Binigyang-diin niya na ang hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng brand na mag-alok ng de-kalidad at abot-kayang pagkain na swak sa pangangailangan ng pamayanan.

Isinakatuparan ang nasabing negosyo sa ilalim ng Barkada Franchise Financing (BFF) Program ng Pag-IBIG Fund. Sa pamamagitan ng programang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga miyembro na pagsamahin ang kanilang Multi-Purpose Loans upang makapagsimula ng sama-samang negosyo.

--Ads--

Bukod sa paghahatid ng pagkain, layunin din ng pagpapalawak na ito na suportahan ang lokal na kabuhayan at magbukas ng mga oportunidad sa pagnenegosyo para sa mga Pilipino sa Hilagang Luzon. Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-unlad ng brand sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay sa operasyon at pagsasanay sa kanilang mga franchise partner.