Muling niyanig ng lindol na may magnitude 5.6 ang karagatan malapit sa Lingig, Surigao del Sur nitong Huwebes, Oktubre 29, dakong alas-3:31 ng hapon.
Ayon sa earthquake information na inilabas ng ahensya, may lalim na 10 kilometro ang lindol.
Nagpaalala rin ang ahensya sa publiko na asahan ang mga posibleng aftershock kasunod ng pagyanig.
--Ads--
Matatandaang niyanig din ng mas malakas na lindol ang karagatan malapit sa Lingig kaninang umaga, na may magnitude 5.7. Naitala ang nasabing pagyanig dakong alas-11:19 ng umaga.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Nabunturan, Davao de Oro, habang Intensity I naman sa Digos City, Davao del Sur, at sa Bislig at Tandag sa Surigao del Sur.









