Maglalaan ng libreng sakay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan para sa mga biyaherong babalik sa Baguio City at sa mga uuwi sa Lingayen at Urdaneta City sa Oktubre 31 at Nobyembre 2, 2026, bilang tulong sa mga commuter ngayong holiday season.

Apat na provincial bus ang ilalaan para sa programa upang makatulong sa mga pasahero at maibsan ang pagsisikip ng mga pampublikong sasakyan sa panahon ng pagdami ng mga biyahero.

Sa Oktubre 31, Sabado, at Nobyembre 2, Lunes, nakatakdang umalis ang mga bus mula sa Banaaan Museum sa Lingayen at Majoha Hotel sa Urdaneta City patungong Governor Pack sa Baguio City sa pagitan ng alas-8:00 at alas-9:00 ng umaga.

--Ads--

Para naman sa mga biyaherong babalik sa Pangasinan, magkakaroon ng biyahe mula Governor Pack sa Baguio City patungong Banaaan Museum sa Lingayen at Majoha Hotel sa Urdaneta City sa pagitan ng ala-1:00 at alas-2:00 ng hapon sa parehong mga petsa.

Pinayuhan ang mga pasahero na dumating nang mas maaga sa itinakdang pick-up points upang matiyak ang maayos na pagsakay at maiwasan ang pagkaantala ng biyahe.

Layunin ng programang libreng sakay na makapagbigay ng mas ligtas, maginhawa, at matipid na alternatibong transportasyon para sa mga Pangasinense na bibiyahe sa pagitan ng lalawigan at Baguio City ngayong holiday season.