Kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ganap nang Filipino citizen si Bennie Boatwright matapos matanggap ang kaniyang Philippine passport sa Embahada ng Pilipinas sa China.
Inaasahang makakasama na si Boatwright sa Gilas Pilipinas sa susunod na window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Nobyembre 27 at 29, kung saan makakaharap ng koponan ang Syria at Iran sa Malaysia.
Malaking tulong ang 30 year old, 6-foot-11 forward sa Gilas dahil sa kaniyang tangkad at outside shooting, gayundin ang kakayahang magdala ng bola.
Target ng Gilas na makakuha ng mahahalagang panalo laban sa Syria at Iran upang mapaganda ang kanilang puwesto sa standings at mapalakas ang tsansang makapasok sa 2027 FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa Qatar.










