Umiigiting at patuloy pang umiinit ang magkabilang panig nina President Donald Trump at dating pangulong Barack Obama sa kampanya para sa nalalapit na 2026 midterm elections sa United States.

Ayon sa panayam ni Marissa Pascual, Bombo International Correspondent sa USA, kapansin-pansin umano ang mas agrisubong pangangampanya ng mga kandidato kasabay ng mga matatalim na palitan ng pahayag sa pagitan ng mga lider ng mga partidong Republicans at Democrats habang papalapit ang araw ng halalan.

Dagdag pa ni Pascual, nais umano ng mga Republican na mapanatili ang kanilang suporta kay Trump habang patuloy naman ang kampanya ng mga Democrats upang mabawi ang kontrol sa Kongreso.

--Ads--

Inaasahang posibleng mahihirapan umano ang administrasyong Trump na isulong ang mga panukala at proyektong nangangailangan ng permiso ng Kongreso oras na mabawi ng mga Democrats ang kontrol sa senado at House of Represntative ng eestados unidos.

Ibinahagi rin ni Pascual na bagama’t nagsisilbing gabay ang mga survey sa posibleng takbo ng halalan ay hindi umano nito tiyak ang aktwal na resulta dahil malaki ang epekto sa prediksyon tungkol sa posibleng panalo ng isang partido ng kumpiyansa ng ilang tagasuporta na hindi kailangang bumoto.

Gayunman, hnimok naman ni Pascual ang mga botante na mahalagang hintayin ang aktuwal na resulta ng halalan at aniya ay magiging mahalaga ang midterm elections sa pagtukoy sa magiging takbo ng administrasyong Trump sa susunod na dalawang taon partikular sa pagpapa-apruba at pagpapatupad ng mga nakalinyang programa nito sa kongreso.