Dumagsa ang mga botante sa mga voting precint sa Israel upang pumili ng 120 miyembro ng parlamento o Knesset, sa unang general election mula nang magsimula ang digmaan sa Gaza noong Oktubre 2023.
Nagtutunggali sa halalan ang Likud Party ni Prime Minister Benjamin Netanyahu at ang pinamumunuan nitong koalisyon laban opposition bloc, kabilang ang Yashar Party na pinamumunuan ni Gadi Eisenkot, dating hepe ng kawani ng militar ng Israel.
Kabilang sa mga pangunahing isyu sa kampanya ang pananagutan sa mga pagkukulang sa seguridad kaugnay ng pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7, 2023, mga alegasyon ng katiwalian, at ang usapin ng sapilitang paglilingkod sa militar ng mga ultra-Orthodox na Hudyo.
Naging kontrobersyal din ang mga pagtatangkang alisin sa halalan ang mga partidong pinamumunuan ng mga Arabong Israeli, sa gitna ng lumalakas na suporta sa mga leftist party.
Samantala, milyon-milyong Palestinian sa Gaza at sa sinasakop na West Bank ang walang karapatang bumoto sa halalang ito.
Ang mga Palestinian na mamamayan ng Israel, na bumubuo sa one-fifth ng populasyon ng bansa, ay nahaharap naman sa pagpili kung ibabatay ang kanilang boto sa prinsipyo o sa estratehikong pagkakataong magkaroon ng kinatawan sa pamahalaan.










