Pinalagan ni Senate Committee on Foreign Relations Vice Chair Erwin Tulfo ang China kaugnay sa “easily win” statement ni Chinese Ambassador Jing Quan.
Sinabi ni Senator Erwin Tulfo na walang sinuman ang may karapatan na mambully sa Pilipinas sa pamamagitan ng salita o dahas.
Aniya hindi negotiable ang soberanya ng bansa, at hindi rin ipinagbebenta ang dignidad ng mga Pilipino. At ang paglutas sa isang gusot sa maayos na pamamaraan ay hindi pagpapakita ng kahinaan.
“The Filipino will not back down in the face of these threats” dagdag pa ni Tulfo.
Ayon pa kay Tulfo na hindi nila ipagsasawalang bahala ang statement ng China na madali silang mananalo sa Pilipinas kung gagamitan nila ito ng dahas sa pinag-aagawang karagatan sa West Philippines Sea.
“Sa Pilipino ang Pilipinas. Hindi kami pasisiil,” ayon pa sa panghuling pahayag ni Senator Tulfo.










