Patuloy na nagsasagawa ng road clearing operations ang Sual Municipal Police Station upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng trapiko sa mga kalsada sa bayan ng Sual, Pangasinan.

Layunin ng operasyon na alisin ang mga sagabal sa mga lansangan na maaaring magdulot ng abala at panganib sa mga motorista at iba pang gumagamit ng kalsada.

Bahagi rin ito ng mga hakbang ng kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kaayusan sa mga pangunahing daanan sa bayan.

--Ads--

Hinihikayat naman ang mga residente at motorista na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis, maayos, at walang sagabal ang mga kalsada para sa ligtas na paglalakbay ng lahat.