Hindi na ikinagulat ng Kontra Daya ang pagpapaliban ng Barangay at SK elections ngayong taon, matapos ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326, na opisyal na nagtatakda ng limang taong termino ng panunungkulan para sa mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK).
Ayon kay prof. Danilo Arao, Convenor, Kontra Daya, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na bahagyang inasahan na nila itong mangyari dahil noong nagdaang mga taon ay ipinagliban din ang BSKE.
Ngunit, hindi aniya katangap tanggap ang nasabing hakbang. Dapat may malinaw na proseso at malinaw na batayan sa postponement.
Pananaw nila Ay baka para lang sa kapritso ng ilan sa mga nasa kapangyraihan.
Aminin na lamang umano nila na kaya ayaw nilang magkaroon ng halalan dahil puwede bilang magamit ito para sa pansariling kapakanan lalo na sa darating na presidential election sa 2028.
Gayunman, hindi porke naipasa na ang nasabing batas ay hindi na puwEdeng habulin dahil dahil may ilang grupo at individual na nagbabalak na magfile ng ng reklamo sa korte suprema para kuwestiyunin sa Korte Suprema ang constitutionality at legality ng naturang hakbang. Aniya, pinag-aaralan na rin ng Kontra Daya ang mga susunod nitong hakbang, kasunod ng iba pa nilang reklamong inihain sa Commission on Elections, Office of the Ombudsman at Senate Committee on Ethics.
Binanggit din ni Arao ang nakabinbing reklamo sa Korte Suprema kaugnay ng isang petition na inihain ng grupo hinggil sa umano’y kuwestiyunableng campaign contributions nina Pangulong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. Ayon sa kanya, wala pa silang natatanggap na tugon mula sa Korte Suprema kaugnay nito.










