Nabigong makakuha ng gintong medalya si Filipino fighter Jean Claude Saclag sa 2026 Asian Games.

Ito ay matapos na talunin siya ni Otabek Rajabov ng Tajikistan sa finals ng mens’ -65 kg class ng traditional mixed martial arts.

--Ads--

Nadomina ni Rajabov ang laban at nakuha ang 3-0 na panalo para sa kanilang showdown na ginanap sa Nagoya City Inae Sports Center.

Dahil dito ay nakamit lamang ni Saclag ang silver medal.

Magugunitang nakapasok sa finals si Saclag matapos talunin si Daisuke Murayama ng Japan sa pamamagitan ng unanimous decision sa semifinals rounds.

Labis na nanghinayang si Saclag kung saan hindi niya akalain na mas higit pa ang performance na ipinamalas ng Tajikistan fighter.

Inamin nito na sa unang round ay naging agresibo ito kaya naapektuhan ang kaniyang game plan.

Una ng nakakuha ng bronze medal ang teammate ni Saclag na si Carlos Alvarez sa men’s 77 kg. class. | Bombo Jovino Galang