Sugatan ang ilang estudyante matapos maganap ang isang insidente ng pamamaril sa loob ng Banga National High School sa bayan ng Banga, South Cotabato ngayong Biyernes, Setyembre 18.

Mabilis na isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital ang mga nasugatang mag-aaral upang lapatan ng agarang atensyong medikal at masuri ang kani-kanilang kalagayan.

Patuloy na nagpapatupad ng imbestigasyon ang mga elemento ng lokal na kapulisan upang alamin ang eksaktong bilang ng mga biktima at makuha ang mga detalye ukol sa motibo ng krimen.

--Ads--

Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang mga lokal na opisyal hinggil sa insidente at inaasahan ang paglalabas ng pahayag ukol dito, anumang oras mula ngayon.