Malaki ang kumpiyansa ng national teqball players ng bansa na makapag-uuwi sila ng medalya sa 20th Asian Games na gaganapin sa Japan mula September 14 hanggang 22.
Ayon kay Jhoana Abulencia, national teqball player para sa Asian Games, ang teqball ay larong kombinasyon ng football at table tennis. Gumagamit ito ng curved table at layunin ng mga manlalaro na maipasa ang bola sa kabilang panig gamit ang paa, ulo, dibdib o iba pang bahagi ng katawan, ngunit hindi ang kamay. Maaari itong laruin indoor o outdoor.
May karanasan na rin ang national teqball team sa mga international competition. Noong nakaraang taon ay lumahok sila sa SEA Games sa Thailand, habang nasungkit ng Pilipinas ang pilak na medalya sa men’s doubles at bronse sa women’s doubles sa ginanap na Beach Teqball International Cup sa Rushan, China noong Agosto 11, 2026.
Sinabi ni Abulencia na nagsimula ang kanilang training para sa Asian Games sa pamamagitan ng Beach International Cup sa China, habang ang kanilang training ground ay nasa Laoag, Ilocos Norte.
Nakatakdang tumulak ang team sa Lunes, at ang laro nila ay sa September 17.










