Dagupan City – Muling nagningning ang kabataan ng Lingayen matapos makamit ng mga youth advocates ng bayan ang dalawang nangungunang pagkilala sa buong Pangasinan dahil sa kanilang aktibong pakikilahok sa bolunterismo, pangangalaga sa kalikasan at paglilingkod sa komunidad.

Kinilala bilang Top 1 Outstanding Organization of Pangasinan ang Young Environmental Advocates of Lingayen (YEAL) na pinamumunuan ni Katrina Paula Sison.

Kasabay nito, itinanghal namang Top 1 Outstanding Youth of Pangasinan si Van Macley Moulic.

--Ads--

Ang mga pagkilalang ito ay ipinagkaloob bilang pagkilala sa kanilang mga programa at inisyatiba na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa mga gawaing pangkomunidad at pangkapaligiran.

Ipinagmalaki ng Local Government Unit (LGU) ng Lingayen ang tagumpay ng mga kabataan, sa pangunguna ni Mayor Josefina V. Castañeda, katuwang ang Local Youth Development Office-Lingayen na pinamumunuan ni John Mark Mangapot.

Nakibahagi rin sa pagsuporta sa mga kabataan ang Sangguniang Kabataan of Lingayen, sa pangunguna ni SK President at Local Youth Development Council Chairperson Engr. Carissa Tuazon.

Kabataang Lingayenenses, Nanguna sa Outstanding Youth Awards sa Pangasinan