Dagupan City – Patuloy na nagbibigay ng mabilis at maaasahang serbisyo ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Sta. Barbara, Pangasinan katuwang ang kanilang Emergency Response Team (ERT) para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

Kabilang sa pangunahing serbisyong patuloy na nakalaan sa publiko ang ambulance service at patient transport assistance na operational 24/7 at libre para sa mga nangangailangan.

Layunin nitong matiyak na agad na matutulungan at maihahatid sa kinakailangang health facility ang mga pasyenteng nangangailangan ng emergency transport.

--Ads--

Batay sa monitoring para sa buwan ng Agosto 2026, patuloy na naging aktibo ang MDRRMO at ERT sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.

Hinihikayat ang mga residente ng Sta. Barbara na huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa MDRRMO sa oras ng emergency o pangangailangan ng patient transport assistance.