Nanguna si Pangasinan 4th District Representative Gina De Venecia sa pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Family Food Packs sa mga residente ng Sitio Patalan, Barangay Pantal, Dagupan City.
Isinagawa ang relief operation bilang bahagi ng pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang nangangailangan ng karagdagang tulong, partikular sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
Katuwang ni De Venecia sa pamamahagi ang Barangay Council ng Pantal, mga volunteers at Dagupan City Police Office, na tumulong upang maging maayos at organisado ang relief distribution.
Patuloy naman ang pagtutulungan ng mga lokal na opisyal, volunteers at iba pang katuwang sa paghahatid ng ayuda sa mga komunidad na nangangailangan ng suporta.










