Aabot sa 70 pamilyang kasalukuyang nananatili sa Malued Elementary School ang nakatanggap ng relief goods mula sa Guanzon Group of Companies.

Kabilang sa ipinamahaging tulong ang bigas, tinapay, banig, at kumot upang matugunan ang ilan sa pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang pansamantalang nananatili sa paaralan.

Nakipagtulungan naman sa pamamahagi ang Barangay Council ng Malued sa pangunguna ni Kapitan Pheng Delos Santos, bilang bahagi ng pagtugon at pagtulong sa mga residenteng nangangailangan.

--Ads--

Nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa natanggap na ayuda, na malaking tulong para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang sila ay nananatili sa evacuation center.

Patuloy naman ang koordinasyon ng barangay at mga pribadong grupo upang matiyak na maabot ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang apektado.