Mariing kinondena ng PDP-LABAN ang umano’y panibagong pag-atake sa lehitimong oposisyon kasunod ng paglabas ng warrant of arrest noong Setyembre 4, 2026 laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa pahayag ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas at Bayan (PDP-LABAN) ngayong araw Setyembre 5, 2026, sinabi ng partido na nakababahala ang paggamit umano ng mga institusyon ng pamahalaan laban sa mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon.
Iginiit din ng PDP-LABAN na dapat manatiling matatag ang mga Pilipino sa pagtatanggol sa kanilang karapatang pumili ng mga lider.
Ayon kay PDP-LABAN National Spokesman Ferdinand S. Topacio, maninindigan ang partido laban sa anumang hakbang na aniya’y naglalayong pahinain ang oposisyon at demokrasyang Pilipino.
“We stand with the Vice President! We stand with justice! We stand with the Filipino people!” pahayag ng PDP-LABAN










