Dagupan City – Nakumpleto na ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley ang distribusyon ng Family Food Packs (FFP) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos maihatid ngayong araw ang food assistance sa natitirang dalawang barangay na Malindong at Poblacion.
Umabot sa 36,622 Family Food Packs ang kabuuang naipamahagi sa mga benepisyaryong pamilya sa iba’t ibang barangay ng Binmaley bilang suporta sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad at patuloy na bumabangon mula sa epekto nito.
Pinangunahan ni Mayor Pedro “Pete” A. Merrera III ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan, katuwang ang mga Punong Barangay at Barangay Council, volunteers, DSWD, at mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang matiyak ang maayos at organisadong paghahatid ng tulong.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng LGU Binmaley at mga katuwang na ahensya at barangay, natapos ang malawakang distribusyon ng food assistance sa buong bayan, na naglalayong matugunan ang agarang pangangailangan ng mga pamilyang higit na naapektuhan ng kalamidad.









