Inatake ng Iran ang mga puwersa ng Estados Unidos na nakabase sa Jordan matapos bombahin ng US forces ang dalawang Iranian missile launchers sa Larak Island.

Ayon sa source, halos lahat ng mga missile na pinakawalan ng Iran ay na-intercept at wala pang naiulat na malaking epekto o pinsala sa mga target ng US.

Nauna rito, sinabi ng isang opisyal ng US na tinarget ng kanilang pwersa ang dalawang launcher matapos mamataang naghahanda ang Iranian Revolutionary Guard Corps (IRGC) na maglunsad ng mga rocket na may dalang sea mines patungo sa Strait of Hormuz.

--Ads--

Samantala, sinabi ng IRGC na may mga sundalo at sibilyang nasawi at nasugatan sa US strike sa Larak Island at nangakong gaganti sa naturang pag-atake.