Indikasyon ng pagpapaligoy-ligoy at kawalan ng kahandaan ang posibleng nasa likod ng paglihis at paulit-ulit na pagkalimot ng mga sagot sa mga katanungan para sa mga testigo ng depensa sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang naging pagsusuri ni Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional Law Expert at Litigator, na nagsasabing posibleng natural na reaksyon ng mga testigo ang pagiging tensyunado sa pagdinig lalo na kung hindi sila sigurado kung dapat nilang ibigay ang kanilang nalalamang impormasyon.

Ayon din kay Cera, kung bahagi man ito ng paraan ng depensa sa pagharap sa mga tanong, hindi umano ito epektibo dahil kapansin-pansin ang pag-iwas ng mga testigo sa mga simpleng tanong na dapat ay madali ring sagutin.

--Ads--

Dagdag pa ng eksperto, na bagama’t sinagot ng depensa ang ilang alegasyon hinggil sa hindi pagdedeklara ng mga ari-arian at double compensation ni Duterte noong alkalde pa ito ng Davao City, hindi umano nabubura ang paglihis ng mga testigo sa mga impromasyong lumabas sa pagdinig partikular na ang testimonya ng City Assesot ng Samal City na kumukumpira sa pag-iral at pagkakatala sa kanilang records ng mga ari-ariang iniuugnay sa mga asawang Manases “Mans” Carpio at VP Duterte.

Samantala, ipinaliwanag din ni Cera na ang deklarasyon ng isang opisyal sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) kaya mahalagang masuri ang paglalarawan, lokasyon, hangganan at aktuwal na gamit ng mga na ari-ariang nakatala rito at obligasyon umano ng sangkot na opisyal na itama ang anumang maling deklarasyon o pagkakaiba sa mga nakatalang importasyon upang maiwasang ang posibleng pananagutang kriminal tulad ng kasalukuyang hinaharap ng bise presidente.