Dagupan City – Inilabas na ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley ang opisyal na iskedyul ng payout para sa Birthday Cash Gift ng mga senior citizen na kabilang sa ikalawang quarter ng 2026, na sumasaklaw sa mga nagdiwang ng kaarawan mula Abril hanggang Hunyo.

Isasagawa ang payout sa bawat barangay ng Binmaley alinsunod sa nakatakdang petsa at oras.

Pinakikiusapan ang mga benepisyaryo na sundin ang kanilang schedule upang maging maayos at mabilis ang proseso ng pamamahagi ng cash gift.

--Ads--

Para naman sa mga senior citizen na hindi personal na makadadalo at magpapadala ng kinatawan, tanging immediate family member ang maaaring tumanggap sa kanilang behalf.

Kailangang maghanda ng authorization letter, photocopy ng Senior Citizen’s ID ng claimant na may tatlong specimen signature, at photocopy ng valid ID ng awtorisadong immediate family member na may tatlong specimen signature.

Kailangan ding magsumite ng printed picture ng senior citizen claimant na hawak ang authorization letter at Senior Citizen ID bilang karagdagang dokumento para sa verification.

Hinikayat ang mga benepisyaryo at kanilang mga kinatawan na kumpletuhin ang mga kinakailangan upang maiwasan ang pagkaantala sa payout.