Nilinaw ni Atty. Domingo Cayosa, constitutional law expert, na bahagi ng standard operating procedure ang pag-uusap ng abogado at testigo bago ang paglilitis.

Layunin nito na malaman ng abogado ang nilalaman ng testimonya at ang dahilan ng pagharap ng testigo sa korte.

Ginawa ni Cayosa ang pahayag matapos aminin ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na nakipag-usap siya sa prosekusyon.

--Ads--

Ayon kay Cayosa, normal at lehitimo ang ganitong proseso sa mga paglilitis.

Samantala, binigyang-diin din niya na walang kinalaman ang survey sa mga bintang kay Bise Presidente Sara Duterte.

Aniya, ang mga alegasyon laban sa bise presidente ay dapat suriin bilang impeachable offenses at hindi batay sa opinyon ng publiko.

Patuloy na nagiging sentro ng usapan ang mga legal na proseso sa gitna ng impeachment trial ni Duterte.