Iniimbestigahan na ng mga otoridad sa Mexico ang nangyaring trahedya sa masiglang pagdiriwang matapos ang makasaysayang 2-0 na panalo ng Mexico na nagluklok sa kanila sa Round of 16 na nagresulta sa pagkasawi ng apat na katao.
Ayon kay Julius Besejos Lerdon – Bombo International News Correspondent in Mexico Tinatayang higit sa isang milyong tao ang bumuhos sa mga lansangan ng Mexico City, partikular na sa paligid ng monumento ng Angel of Independence, upang ipagdiwang ang unang knockout win ng bansa sa World Cup mula noong 1986.
Dahil sa sobrang kapal ng tao sa isa sa pinakamataong lungsod sa mundo, nahirapan ang marami na huminga.
Namatay sa suffocation ang tatlong indibidwal sa gitna ng kumpol ng mga tao habang ang pang apat na biktima ay pumanaw na sa ospital.
Dagsa aniya ang pasok at paglabas ng mga tao kaya may nangyaring suffocation. Ang iba aniya ay nasobrahan ang kalasingan kaya nawala sila sa sarili .
Dahil dito, para sa kanya mas magandang kontrolin ng pamahalaan ang pagbebenta ng alcohol kapag may mga malalaking event.
Samantala, inaasahan na makakapaso ang Mexico, sa quarterfinals sa World Cup.










