Dagupan City – Nagpahayag ng pagkadismaya si dating Alliance for Concerned Teachers (ACT) Partylist Representative, France Castro hinggil sa itinalagang zero funding para sa Recruitment Program ng Department of Education (DepEd) sa darating na taong 2027.

Ayon kay Castro, hindi umano ito sang-ayon sa prayoridad ng DepEd sa pondo ng ahensya sa pagtatalaga ng nasabing anunsyo sa kabila ng libu-libong bakante sa pagtuturo.

Dahil dito, ang mga posisyong mababakante dahil sa promotion, retirement, resignation o natural death na lamang ang tanging inaasahang magiging bukas para sa mga gurong nagbabalak makapasok sa pagtuturo.

--Ads--

Naniniwala naman si Castro na kayang laanan ng ahensya ang pondo sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na proposal at defene patungkol sa pangangailangan ng mga guro upang solusyunan ang problema sa siksikang mga silid aralan bunsod ng kakulangan ng mga guro sa mga paaralan.

Samantala, nanawagan naman si Castro sa DepEd na maraming guro ang naghihintay ng posisyon kaya kailangang pabilisin ang pagsasagawa ng recruitment para sa mga nagbabalak pumasok sa larangan at bigyang linaw kung bakit hindi nagamit ang libu-libong bakanteng posisyong dapat at maaari pang gamitin sa susunod na taon.