The Medical City

Pinalalakas ng The Medical City Pangasinan ang paghahatid ng serbisyong medikal sa lalawigan, kabilang ang pagtulong sa mga pasyenteng nahihirapang makapunta sa mga pagamutan dahil sa kakulangan ng transportasyon.
‎
‎Ayon kay Dr. Juan Antonio Maximiano R. Escano, pangulo at punong ehekutibo ng The Medical City Pangasinan, isang taon nang nagbibigay ng libreng ambulant service ang ospital para sa mga pasyenteng nahihirapang bumiyahe patungo sa pagamutan. Nakatuon ang serbisyo sa pagtulong sa mga pasyenteng may suliranin sa transportasyon upang mas mapadali ang kanilang pagpunta sa pasilidad na nagbibigay ng kinakailangang pangangalagang medikal.
‎
‎Kasabay nito, nakikipag-ugnayan ang ospital sa pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at sa mga pribadong ospital upang mapabilis ang pagdadala ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang tulong medikal sa pasilidad nito sa Dagupan City. Sa pamamagitan ng koordinasyong ito, layuning mapadali ang referral at paglipat ng mga pasyenteng nangangailangan ng karagdagang pagsusuri o mas mataas na antas ng pangangalaga.
‎
‎Kabilang sa mga tinututukang usapin sa pagpapalawak ng serbisyong medikal sa rehiyon ang accessibility ng mga pagamutan, transportasyon ng mga pasyente, at koordinasyon ng mga institusyong pangkalusugan. Bahagi ito ng mga hakbang upang mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga nangangailangan, lalo na sa mga pasyenteng may limitadong kakayahang bumiyahe para sa pagpapatingin at paggamot.