Dagupan City – Handa nang katawanin ng San Jacinto Men’s Volleyball Team ang bayan sa pagbubukas ng Governor’s Cup Pangasinan Inter-Town/City 2026 na gaganapin sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen.
Bitbit ng koponan ang disiplina, determinasyon at masusing paghahanda upang maipamalas ang kanilang husay sa isa sa pinakamalaking volleyball tournament sa lalawigan.
Layunin ng mga manlalaro na maipagmalaki ang San Jacinto sa bawat laban sa pamamagitan ng mahusay na paglalaro, sportsmanship at matatag na diwa ng kompetisyon.
--Ads--










