Dagupan City – Arestado ang isang 29-anyos na rider na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa isinagawang operasyon sa Brgy. Zamora, Mangatarem noong Hunyo 10.

Pinangunahan ng Mangatarem Municipal Police Station, katuwang ang San Clemente Municipal Police Station, ang pag-aresto sa suspek na residente ng Brgy. Bogtong Bunao, Mangatarem.

Isinagawa ang pagdakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 37 sa Bambang, Nueva Ecija noong Hunyo 4, 2026. Ang kaso ay nakatala sa Criminal Case No. 8641-26E at may kaukulang inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P72,000.

--Ads--

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa Mangatarem Municipal Police Station para sa dokumentasyon at iba pang kaukulang proseso.

Patuloy naman ang kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted person upang matiyak ang pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad.