Dagupan City – Nagbigay ng tulong pinansyal sa mahigit dalawang libong magsasaka sa Bayan ng Asingan ang programa ng gobyerno na Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk (PAFF) Program.
Nasa 2,283 na benepisyaryo ang nakatanggap ng P2,325 bawat isa sa nasabing bayan.
Naglalayon ang programa na bigyan ng direktang suporta ang mga magsasaka at mangingisda na patuloy na nahaharap sa mga hamon ng kanilang hanapbuhay.
Sa pamamagitan ng programang ito, mapapabuti ang kanilang sitwasyon sa kabuhayan at tulungan silang malampasan ang mga paghihirap sa larangan ng agrikultura.
Idinisenyo ito para bigyan ng direktang tulong ang mga sektor na nasa unang linya ng produksyon ng pagkain sa bansa.
Samantala, ang bawat tulong na ibinibigay ay maaaring gamitin para sa pagbili ng mga kagamitang pang-agrikultura, pagbili ng binhi, o pangangailangan ng kanilang pamilya.
Sa pamamagitan ng PAFF Program, inaasahan ng mga otoridad na lalong lalakas ang sektor ng agrikultura sa Asingan at sa mga kalapit na bayan.
Layunin din ng programa na mapakita na ang gobyerno ay tunay na nakatuon sa pagtulong sa mga manggagawa sa larangan ng agrikultura.










