Inaasahang tataas ng hanggang P2.90/L ang presyo ng diesel, habang posibleng mabawasan ng P1.50/L ang presyo ng gasolina, habang nakaamba namang tumaas ng P4.70 ang presyo ng kerosene sa Martes, June 9, 2026.

Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) trading at foreign exchange ave­rages sa nakalipas na apat na araw, sinabi ng isang oil industry source na inaasahan na nila ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Liban dito posible nang luwagan ng Department of Energy ang kasalukuyang patakaran sa pagtataas at pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo upang mabigyan ng mas malaking kalayaan ang mga oil company na makasabay sa pabago-bagong galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

--Ads--

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, pinag-aaralan na ngayon ng ahensya kung paano unti-unting babawasan ang mahigpit na pagbabantay sa presyo habang tinitiyak pa rin ang proteksyon para sa mga mamimili.