Inimbitahan ni Senate President Alan Peter Cayetano si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee kaugnay ng imbestigasyon sa multi-bilyong flood control scandal.

Ginawa ng Senate President ang hakbang na ito kasunod ng mga ulat na sinuhulan umano ni dating Congressman Mike Defensor ng ₱5 milyon ang 18 dating sundalo upang tumestigo sa flood control anomalies.

Ayon kay Cayetano, kung beripikado ang impormasyong ito ng NBI Director, may sapat na batayan para paniwalaan ito.

--Ads--

Kaya naman, inanyayahan niya si Matibag upang personal na makaharap sina Defensor at ang 18 ex-marines.

Dagdag pa ni Cayetano, nais niyang malaman kung nagsisinungaling ang mga dating sundalo.