Nagbabala si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag sa pagpapayag ng Senado na maging kanlungan ng mga pinaghahanap sa batas.

Ito ay matapos na hayaan ng Senado na makatakas si Senator Ronald Dela Rosa na mayroong warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

Dagdag pa ng NBI chief na kapag ginawa ito ng Senado ay magkakaroon ng panganib ito at makakasira ang tiwala ng publiko.

--Ads--

Magiging masama rin ito sa imahe ng Senado dahil tila nagiging taguan o kanlugan na sila ng mga mayroong kinakaharap na kaso.

Magugunitang kahit na nagbigay ng katiyakan ang Senado na kanilang ikukustodiya si Dela Rosa o ilagay sa ‘protective custody’ at kanilang ipapasakamay sa mga alagad ng batas subalit ito ay kanilang hinayaang makalabas.