Inihayag ni Sen. Sherwin Gatchalian na handa siyang maging Senate President kung kakailanganin, sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa posibleng pagbabago sa liderato ng Senado.

Sa isang panayam, sinabi ni Gatchalian na tinalakay ng minority bloc ang ilang posibilidad kaugnay ng sitwasyon sa Senado, ngunit tumanggi siyang magbigay ng karagdagang detalye.

Ang usapin ay umiikot sa mga ulat ng umano’y “kudeta” laban kay Senate President Alan Peter Cayetano, bagama’t wala pang kumpirmasyon ng ganitong hakbang.

--Ads--

Si Gatchalian ay kabilang sa 11-miyembrong minority bloc na kumontra sa pagkakaluklok ni Cayetano, na sinuportahan naman ng 13 senador kabilang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon pa sa senador, mas nais muna niyang tutukan ang pagpapanumbalik ng dignidad at imahe ng Senado.

Gayunpaman, sa hiwalay na pahayag, sinabi rin ng mambabatas na prayoridad nila ang pagtatrabaho at pagbabalik sa normal na legislative agenda, na tila mas maingat kumpara sa kanyang pahayag sa radyo tungkol sa pagiging handa sa liderato.