Dagupan City – Pinabuti ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ang industriya ng asin mula nang lagdaan ang isang kasunduan para sa pagpapaunlad ng Pangasinan Salt Center sa bayan ng Bolinao.
Saklaw ng proyekto ang pagtatayo ng shared service facility gaya ng salt warehouse, cooking structure, at pandurog ng asin upang mapataas ang kalidad ng produksyon at mabawasan ang post-harvest losses.
Ang naturang salt center na sumasaklaw sa 473 ektarya ay may taunang produksyon na humigit-kumulang 25,000 tonelada ng asin at isa sa pinakamalalaking salt farm sa bansa.
Dati itong pribadong pag-aari ngunit napasailalim sa pamamahala ng provincial government sa pamamagitan ng kasunduan sa Department of Environmenta and Natural Resources (DENR) noong 2022.










