Dagupan City – Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources sa Ilocos Region ang programang Permitting on Wheels upang mapabilis at mapalapit sa mga komunidad ang pagkuha ng environmental permits para sa mga negosyante at MSMEs.
Isinagawa ang rollout kamakailan sa Alaminos City katuwang ang lokal na pamahalaan.
Sa pamamagitan ng mobile service, hindi na kailangang bumiyahe ng malayo ang mga aplikante dahil direktang dinadala sa kanila ang mga serbisyo tulad ng pagkuha ng Environmental Compliance Certificate, wastewater permits, at iba pang environmental clearances.
Nilagyan ang mobile hub ng mga kagamitan at internet para sa agarang pagproseso ng aplikasyon.
Ayon sa DENR, layunin nitong pababain ang gastos at pabilisin ang serbisyo habang pinapalakas ang pagsunod sa environmental laws.
Plano rin ng ahensya na gawing regular ang programang ito sa iba’t ibang lugar sa bansa.










